Wednesday, April 15, 2009

TULA PARA KAY OSALLA (Likha: Emmanuel Tomasa 4/15/09)


TULA PARA KAY OSALLA


Likha: Emmanuel Tomasa 4/15/09


 


Noon, pagkatapos ng opisina nag-uunahang nagtatawagan


Isa-isang kukulitin ang mga myembro ng samahan


Alin? sa magbelyar, punta sa bahay nina Paul o inum sa likuran


Basta pagnagkasundo kahit ano nagiging espesyal


 


Kahit di mamahalin ang lugar at iniinum,


Di matutumbasan ang damayang naranasan


Problema sa pamilya, pera, trabaho at power-tripper na katrabaho


Sisiw na sisiw basta nandyan kayo


 


Sukdulang kalimutan ang kanya-kanyang GF at pamilya


Minsan nga gagawin ang lahat kahit walang pera


Para sumaya sukdulang mangutang kay Ate Emma


Kaya ang resulta, ngayon si Ate Emma nagsara


 


Kay bilis ng panahon at biglang nagkagulatan


Wala na ang dati kung katabi sa halakhakan


Ang dati kong tagapakinig sa gilid


Taga-bili kahit ng mga jokes kong corney


 


Bagama't nagpapasalamat dahil nanjan pa ang iba


Para sa akin isang kang malaking kawalan


Ngayon kung ako'y tatanungin kung BAKIT ako naaapektuhan?


Kasi kokonti na lang ang totoong tao sa dating trabaho ang naiwan


 


Kung ako lang ay may-ari ng malaking istasyon


Gagawan din kita ng tribute higit pa kay Magalona


Kase sa amin sikat ka, sa apat na sulok ng GMS compound


Kahit kelan nag-iisa ka


 


Kung ang bawat litra ng tulang ito'y iyong tanaw


Nawa'y magdulot ng aral at konting kaisipan


Na Jayson sa 'yong paglisan, itoy paalala


Na nawalan kami ng ...isang harot, minsan tahimik, mapaglaro, mananayaw, palangiti, mabait na kaibigan.


 


Padayon 'Son! Thanks for the memory! - TOMY


 


For more of TOMY's writing go to : pureenergy.blogs.friendster.com



No comments:

Post a Comment