Wednesday, November 15, 2006

Uso na talaga ang Blogs

Tomy_white1Natapos na naman ang maghapon and its another minimum wage that will be added in my salary. While preparing to home, mejo tinamad ako ng konti since I know na hihiga lang naman ako ulit sa bahay pag-uwi at manonood na naman ng TV at malamang starring na naman si Gringo (kc nga kahuhuli lang sa kanya d ba?) naisip kong maiwan muna dito sa opisina to visit my web-based email accounts and to visit some favorite sites.



Napaisip ako tuloy, 3 taon na rin pala ako dito sa kumpanya (wag kau mag-alala wala akong intensyon na ilathala dito ang mga karanasan ko sa PINAKAMAMAHAL kung GMS Oooooowwwwws!) Hindi, kc nung bagong pasok ako dito konti pa lang ung mga nakaka-alam tungkol sa BLOGS kahit na aminin ko na sa inyo hindi ko maramdaman na nasa IT department na ako nun siguro dahil isang computer lang ang may allocation na internet connection, YES! IT Department na kami tawagin nun.. hahaha. Balik tayo sa BLOGS, let's say na out of 10 eh mga 3 lang ang hindi man marunong eh alam ang BLOGS. Pero ngaun nakakagulat kc marami na talaga ang nakakaalam nito. Pero aminin natin hindi lahat eh original ang mga saloobing isinusulat dito. Madalas gaya-gaya o kaya obvious na gusto lang makiuso. Dahil sa BLOGS, ang huling balita eh kkonti na ang nagiiprenta ng mga diary books ngaun, yon ung uso nong highschool tayo kc dito nalalaman ang mga crush nung may-ari ng diary ang hindi ko lang dito maintindihan bakit pag-sinulatan mo ang diary mo eh sarili mo rin ang sinusulatan mo, kaya nga gusto ko ring malaman kung sino nakaimbento ng diary kc sa tingin ko sya ang unang tao na ginawang B-O-B-O ang marami, bakit?! eh sino ba namang matinong tao ang sinusulatan ang sarili! Pero atin-atin lang 'to ha naging B-O-B-O din ako dahil sa diary.



Pero ano pa man ang sabihin mo gusto ko ngaun ang BLOGS kc mas nakikilala natin ang taong may akda nito. Madaling madetect ang personality ng taong may BLOGS promise! Kung gusto nyo malaman kung paano hayaan mo ikaw mismo ang makatuklas nito, pero sige bigyan kita ng pointers, eto na, eto na, aah aah...dobidobido... halimbawa



Nagsusulat sya tungkol anything tungkol sa mga kotse pero ang totoo alam mo ang address nya, taga looban sya ng Tondo at di pwede gumawa ng parking lot sa ganung lugar. Konklusyon: Niloloko nya tayo!



Sinasabi nyang mahal na mahal nya nang trabaho nya pero pagtiningnan mo kung kelan nya na-post ang blog nya eh during office hours. Konklusyon:  Niloloko nya tayo!            



Anyway, wala akong pinaparinggan ha, ang sa akin lang eh saloobin ko lamang eto. Sana nga lamang magamit natin eto upang magpakilala tayo kung sino talaga tayo hhhmmmm no pretentions ika nga d ba? At kung tatanungin mo ako ngaun kung bakit ako gumagamit din ng blogs para ilabas ang laman ng utak ko simple ang sagot....... AYAW KO PANG UMUWI! period!

No comments:

Post a Comment