Sunday, November 19, 2006

Tungkol sa Meter Stick! (Oo nga naman...)

Halos magaalas-dose na ng gabi kahapon ng maisipan kong mgtxt sa kakilala ko. Siguro dala na rin ng sobrang pagkainis sa suppose to be date ko during that night o kulang lang ung pansit na nakain ko dun sa birthday ni ate Lani na pinuntahan ko (sinadya kong konti ang kunin diet kc bat kc nauso ang badminton tournamaent kailangan ko uloy magpapayat). And besides wala naman akong mapagkwentuhan ng mga frustrations ko sa bahay dahil mga bata pa ang mga kapatid ko, malamang  hindi rin nila ako maiintindihan. Balik tayo sa kwento ko...hindi ko rin kc malaman sa saili ko kung ano gusto ko minsan sa buhay. Kaya tingnan mo nagrereflect sa mga  decision ko pagdating sa relationship.



Pagdating sa bahay bukas ang TV ayon nanonood na naman ang mga ka-berks kong kapatid ng Dream Academy, isip-isip ko malamang walang gumagamit ng cd cassette sa taas kay ayon mabilis kong inayos ang motor sa labas ng bahay, takbo sa kwarto sabay soundtrip para pampaantok na rin. Ang seste pati antok yata umayaw na rin skin. So bangon na naman si Emmanuel Tomasa kuha ng magazine (hindi bold ha at hindi rin FHM mahal na kc)  ang bagong problema ko hindi pumapasok sa utak ko ang binabasa ko . Hay naku pati sa pagpapahinga ko madami pa ring problema.



Tiiiinnnnngggg! (with matching bombilya above my head!). Naisipan kung makapagtext na lang sa mga existing friends (existing friends kc nawawala na ung iba bc sa mga pamilya nila)  para malibang.  Para makasiguro tatlo ang tnxt ko..."R U  STILL AWAKE?"  sa awa at habag ng Diyos ayon may isang nagreply un pang pinakamalayo....taga-BICOL smantalang ung mga taga-dito sa maynila (ung isa nga kapit-bahay ko pa tatlong hakbang lang yata mula sa amin ung bahay pero friends kami nun ha antukin lang siguro sya ngaun) at least khit taga-BICOL mukhang concern sa akin... ang txt nya "CNO NANG-AWAY SAU? PATAYIN NATIN?" o d b? Yan ang kaibigan mukhang taga-justice league pa yata eto (ung grupo nina superman, batman etc)...pero syempre alam ko joke nya lang un. Pero ang nakakabilib sa taong 'to eh na decern nyang may problema ako.... Hanep 'neng galing mo!!!



Eh d eto na unti-unti kung cnabi ang mga frustrations ko sa buhay lalo na ung mga nangyari nung araw na un, sabay pabiro na nakisuyo ako na baka pwede nya ako hanapan ng babae na pweding sumeryoso sa akin dun sa lugar nila sa BICOL. Typical ang sagot nya..."EH BAKA NAMAN SUPER TAAS NG EXPECTATON MO SA DREAM GIRL MO"... ngumiti na ako d na muna sumagot... txt ulit ang lola mong taga-BICOL pertaining to the issue of me having an ideal girl..."ITS LYK A METER STIK TAPOS WALA KA MAKITA NA KA-MATCH SA METER STICK MO KC UNG MISMONG METER STICK ANG GUSTO MO..." hindi man ako relihiyoso nagpasalamat na rin ako sa Panginoon dahil sa aral nung "saying" galing sa Bicol. SALAMAT DERYN!    

No comments:

Post a Comment