Friday, November 17, 2006

Mga KAMATIS mapisa na sana!

Mula nung highschool hanggang college ako (either sa dalawa RTU o ICCS) mahilig akong ma-involve sa mga campus organization. Mas iba kc ung dating d ba pag maraming pinagkakaabalahan sa school nagiging feeling genius at responseble ka sa sarili mo (akala ko lang pala un!). At the same time exposure na rin ba o sadyang gusto ko lang ang maraming kaibigan at mga kakilala.
Marami-rami na rin akong natutunan sa mga organization, kagaya ng leadership, people management, delegation of task, time-management at kung anu-ano pa. And then after my college,  I thought my involvement in corporate jungle would be much easier since my experiences  and exposure from school org would  help me attain the new corporate challenges.
Pero magugulat ka ibang-iba ang mga pangyayari sa mga inaasahan ko. Ganito talaga siguro ang buhay, full of surprises ika nga. It was then that I learned to compare the "Kamatis" to "Coconut Tree" parang kapag idinerecho mo ang linguahe mejo masakit. Nung bata pa kc ako madalas Lito Lapid or FPJ used the word "Kamatis" pertaining to a  "KONTRABIDA" kagaya ng  corrupt na militar o corrupt na pulitiko. Based on my experience, ang makapanlulumo dito  mas marami palang mapipitas na KAMATIS sa corporate at mas marami kang makikitang COCONUT TREE sa school org. Naisip ko nga minsan , sana ang mga matitinong graduates kapag napunta sa ganitong sistema  eh hindi  ma-impluwensyahan.  Kasi mas naniniwala pa rin ako na mas contagious pa rin ang KABUTIHAN. Madali lang kc ang trabaho sa opisina ang mahirap ung ugali ng mga taong nakapaligid sa iyo sa trabaho. Kaya hindi nakapagtataka pahirap ng pahirap ang Pilipinas dahil na rin sa pasama na pasamang kultura ng pinoy. May narinig ngaakong panalangin minsan ng isang bata. dati-rati "Aman namin..." ngaun ang panalangin nya "Lord sna totoo nalang si Capt. Barbel para wala ng masama sa mundo" hehehehe.
At kung bakit ko nasabi 'to simple lang, ANG DAMI PALANG KAMATIS DITO SA CORPORATE WORLD. At kung hindi mo pa rin ma-gets eto na babasahan kita ng meaning nga salita ito ..... Ayon sa diksyunaryo ni Emmanuel Tomasa published May 8, 1978 (birthday ko un!), ANG KAMATIS AY ANG MGA TAONG "CRITICS"! Ang hilig mamuna sa trabaho at ginagawa ng iba pero ang totoo hindi naman nila kaya ang trabahong pinupuna nila. At kung hihingin mo pa sa akin ang meaning ng CRITICS eto un.... ANG CRITICS AY DEFENSE MECHANISM NG TAONG WALANG ALAM PARA KUNYARI MATALINO SYA!....Bwaaaahahaha!!! Dont get me wrong, hindi ko minamasa ang pagiging critics kung itoy ginagawa ayon sa tamang objective nito. Kc ang pinakang qualified na maging critic ay ung mga taong alam ang bagay na pinupuna nya. Ang masama lang ginagamit ito ng ibang tao para mamersonal.
Kaya para sa akin tama ung bata, "SANA TOTOO C CAPT. BARBEL BARA PISAIN NYA ANG MGA BOBONG KAMATIS NA CRITICS !!!

No comments:

Post a Comment